-- Advertisements --

May naitala nang 71 ERVI ang PNP kaugnay sa Halalan ngayong araw.

Ayon kay PCol. Jean Fajardo – spokesperson ng PNP, 41 sa nasabing Insidente ay validated na non-related sa Election.

14 ang under investigation at 16 ang Confirmed na may kaugnayan sa halalan.

Kasama sa 16 ay ang nangyaring barilan ng mga supporters ng mga lokal na kandidato sa Magsingal, Ilocos Sur at Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Ang hindi pa kasama ay ang mga nangyaring pitong pagpapasabog sa Maguindanao kagabi .

5 sa datu unsay kung saan may mga naitalang nasugatan ngunit nakalabas na din sa Ospital at 2 shariff aguak na wala namang naitalang sugatan.

Pawang mga Improvised Explosive Device qng ginamit sa pagpapasabog.

Ngunit sa pinakahuling report na kapapasok lang dito sa Camp Crame ay may nangyaring kaguluhan sa Buluan, Maguindanao
At may tatlong napaulat na namatay.

Ang report na ito ay kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Bangsa Moro Regional Police Office sa pamamagitan ng Maguindanao PPO.