Reading Time: 1 minute

Papalo sa 70,000 local at overseas jobs ang available para sa isasagawang Kalayaan Job Fair kasabay ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 22 job fair sites sa buong bansa ang maaaring dayuhin ng mga naghahanap ng trabaho.

Kabilang sa lokal na trabaho na may pinakamaraming vacancies ay ang mga sumusunod:

  • production machine operators
  • production worker/factory workers
  • customer service representatives
  • call center agents
  • sewers
  • sales clerks
  • cashiers
  • delivery crew
  • service crew
  • marketing officers

Para naman sa mga aplikanteng nais magtrabaho sa ibayong dagat, ang top vacancies ay:

  • cleaners
  • professional nurses (general)
  • waiters/waitresses
  • service crew
  • company drivers
  • registered midwife
  • staff nurse
  • English teachers partikular sa bansang Japan
  • janitress
  • barista
  • technicians (general)
  • nursing aides

Ang job orders ay para sa mga bansang Germany, Japan, Bahrain, at Kingdom of Saudi Arabia.