Nasa 70-80 percent ma-mitigate ang pagbaha sa Metro Manila sakaling maitupad ang drainage master plan na binuo sa panahon pa nang Aquino administration.
Ito ang inihayag ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nang tanungin kung posible na maging flood free ang kalakhang Maynila.
Ayon kay Secretary Bonoan kabilang sa nasabing comprehensive drainage master plan ay ang pagtugon sa basura lalo na sa bahagi ng mga informal settlers.
Nito kasing nagdaang Bagyong Carina puro basura ang dala ng tubig baha.
Pagtiyak naman ni Bonoan, sa ilalim ng Marcos administration gagawin nito para i-maximize ang lahat nang dapat gawin para mapigilan ang malawakang pagbaha.
Inihayag ni Bonoan na kasama sa masterplan ang Marikina Dam project at maging ang Paranaque spillway na binuo sa panahon pa ni dating President Marcos Senior at hanggang ngayon ay hindi pa naipapatupad dahil sa mga socio political issues.
Siniguro ng kalihim na itutuloy ng Marcos Jr administration ang nasabing mga proyekto na isa sa mga solusyon para tugunan ang malawakang pagbaha.
Aminado naman si Bonoan na kailanman hindi na maiiwasan ang pagbaha sa kalakhang Maynila gayunpaman ma-mitigate lamang ito.\
Inihayag ni Bonoan na panahon na para ayusin ang drainage system ng bansa.