Kinilala na ng Philippine National Police ang identities ng mga pasahero ng bumagsak na trainer aircraft sa Iba, Zambales kaninang umaga.
Sa ulat mula sa Police Regional Office 3, natukoy ang piloto ng bumagsak na aircraft na si Captain Mel Bidayan.
Ang mga sakay niya na mga kapwa student pilot ay sina:
Captain Florencio Ruiz
Captain Jamel Reamon
Captain Albrench Sagario
Captain Carmelita Bidayan
Captain Ian Vincent Agdamag
at Captain Robin Austria
Naligtas ng mga tauhan ng PNP Maritime Group sa tulong ng mga lokal na mangingisda ang pitong student pilot.
Narekober ang mga biktima sa karagatan na may 500 metro mula sa baybayin ng Bgy Sta. Rosario, Iba Zambales.
Nagtamo ng minor injuries ang mga biktima na agad na dinala sa President Ramon Magsaysay Provincial Hospital para magpagamot.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang sanhi ng pagbagsak ang aircarft bagaman “mechanical failure” ang itinuturong dahilan ng piloto sa aksidente.
Kapwa iniimbestigahan na ngayon ng PNP Aviation Group Iba at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang insidente.