-- Advertisements --

Sugatan ang pitong katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang gusali sa Paris.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na nagkaroon ng pagtagas ng gas mula sa gusali bago ito sumabog.

Mabilis na nakapagresponde ang mga bumbero kung saan dinala sa mga pagamutan ang mga sugatang biktima.

Kinordonan na ng mga kapulisan ang lugar at pinayuhanang mga residente doon na umiwas na lumapit sa lugar.