-- Advertisements --
trailer truck misamis

CAGAYAN DE ORO CITY – Dead on the spot ang pitong katao at lima pa ang kritikal matapos inararo ng trailer truck na may cargang bulldozer ang aabot sa 20 mga sasakyan sa Zone 2, Aplaya, Jasaan, Misamis Oriental, pasado alas-12:00 ng madaling araw.

Kinumpirma ni Police Major Evary Bacunaua ang pagkamatay ng dalawang barangay kagawad ng Aplaya na sina Wilredo Capillador, Jr. at Lemuel Edorot.

Kabilang sa mga casualties ay mula sa pamilyang Monticello, Lauron at Kampion na nanggaling pa sa isang lamay o last vigil.

Kinustodiya na ng Jasaan MPS ang driver ng trailer truck na si Vincent Abuloc samantalang isinugod din sa ospital ang kanyang pahinante dahil binugbog ito ng mga nakasaksi sa malagim na disgrasya.

Base sa nakasaksi, naputol ang chasis ng truck na nagkarga ng bulldozer kung kaya’t nagresulta ito sa pag-araro ng mga nakaparadang sasakyan.

Kabilang na rito ang pribadong sasakyan ng mga pamilyang nanggaling pa sa lamay.

truck trailer