Pitong kongresista ang dumalaw ngayong araw kay Sen. Leila de Lima bago mag alas-10:00 kaninang umaga.
Sabay-sabay na dumating sa PNP Custodial Center sina Rep. Edcel Lagman, Gary Alejano, Emmanuel Billones, Raul Daza, Teodoro Baguilat Jr. Tomasito Villarin at Cong. Erice.
Naunang dumalaw si Cong. Edcel Lagman at nauna rin itong lumabas sa PNP Custodial center.
Sinabi ni Lagman na hangad nyang payagan ng korte si Sen. De Lima na makadalo sa pagdinig ng senado lalo na ang mga importanteng usapin katulad ng death penalty at tax reform.
Paliwanag ni Lagman kung pinapayagang makadalo sa birthday party at iba pang okasyon ang mga nakabilanggo sa PNP Custodial Center ay mas dapat na payagan ng korte ang senadora na dumalo sa mga mahahalagang pagdinig lalot elected senator ito ng bansa.
Ayon naman kay Cong. Alejano na matagal ng plano ng House Independent Minority or the Magnificent 7 na bisitahin si Sen. Delima upang tignan ang kanyang sitwasyon.
At ngayon lang nakahanap ng bakanteng oras.
Giit ni Alejano na maraming isyu ang napag-usapan pero ang pangunahing layon nila ay kamustahin ang senadora.