-- Advertisements --
Supreme Court

Nakatakda nang ipadala ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist para sa pagpipiliang bagong associate Justice ng Supreme Court (SC).

Ang nabakanteng puwesto ay dahil na rin sa pagreretiro ni SC Justice Jose Reyes noong Mayo 11.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra na siya ring ex-officio member ng JBC, ngayong araw na nila ipapadala ang naturang shortlist sa Pangulo.

Kasama sa shortlist sina CA Associate Justice Japar Dimaampao, Joseph Lopez, Ramon Cruz, Manuel Barrios, Ricardo Rosario, Precy Padilla at SC Court Adminstrator Midas Marquez.

Una rito, umabot sa 13 ang aplikante para sa naturang posisyon na sumalang sa mabusising panel interview na isinagawa ng JBC.

Idinaan ang public panel interview sa pamamagitan ng zoom noong Mayo 28.