-- Advertisements --

Isang malakas na lindol na may lakas na 7.1 magnitude ang yumanig sa Kumamoto Prefecture, Japan.

Dahil sa tindi ng pagyanig, agad na naglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad, na may inaasahang taas ng alon na aabot sa isang metro.

Pinayuhan ang mga residente sa baybayin na lumikas at mag-ingat habang patuloy na mino-monitor ng Japan Meteorological Agency ang sitwasyon.

Ang Kumamoto ay matatagpuan sa rehiyon ng Kyushu, na kilala sa pagiging earthquake-prone area dahil sa aktibong fault lines at kalapitan sa Pacific Ring of Fire.

Noong 2016, nakaranas din ang lugar ng serye ng malalakas na lindol na nagdulot ng matinding pinsala at pagkasira ng mga imprastruktura.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng inspeksyon ang mga lokal na awtoridad sa mga gusali, kalsada, at imprastruktura upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Wala pang ulat ng malawakang pinsala o nasawi, ngunit patuloy ang pagbabantay sa posibleng epekto ng tsunami at aftershocks.