-- Advertisements --

Umaabot sa 6 na million mga covid-19 vaccine doses ang nakatakdang magpaso sa unang quarter o kalagitnaan ng taon na nasa stockpile ng pamahalaan.
Subalit ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kanilang papalawigin pa ang shlef life ng nasabing mga bakuna.
Sa kasalukuyan, mayroong kabuuang 17,488,050 doses ng pamahalaan.
Muling binigyang diin naman ni Vergeire na maaari pa ring gamitin ang mga bakuna sa oras na maberipika na ligtas ang mga ito na gamitin sa pakikipagkonsulta na rin sa Food and Drugs Administration (FDA) sa kanilang manufacturers.
Nauna na ring sinabi ng DOH na inaantay pa nila ang approval mula sa regulator kaugnay sa quality profile ng nasabing mga bakuna.










