Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang writ of amparo at habeas data na inihain ng rights watchdog Karapatan, Gabriela at Rural Missionaries of the Philippines (RMP).
Sa desisyon na isinulat ni CA Associate Justice Mario Lopez na may petsang Hunyo 28, 2019, wala umanong nakikita ang appellate court na substantial evidence para ma-establish ang mga alegasyon ng mga petitioners.
Wala ring ebidensiya na ang mga sinasabing patayan ay dahil sa pagiging miyembro ng mga biktima sa organisasyon ng mga petitioners.
Lumalabas din umanong walang ebidensiya na nagpapatunay na nalalabag o may banta sa privacy ng mga petitioners.
Hindi rin umano naka-comply ang mga petitioners sa rules ng writs of amparo, habeas data dahil sa kawalan ng judicial affidavits at ang kabiguang mag-demand ng imbestigasyon na siyang hakbang para medetermina kung nalabag ba ang kanilang privacy.