-- Advertisements --

Mainit na tinanggap ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala ang 2022 Asian Senior Chess Champion, International Master Jose Efren Bagamasbad sa kanyang courtesy call sa tanggapan niya sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

Una nang nakuha ng 66-anyos na chess master ang titulo sa 2022 Asian Senior Chess Championship na ginanap sa Auckland, New Zealand.

Kung maaalala, sinabi ng senior woodpusher na gusto niyang sumali sa mga kumpetisyon noong 2021, ngunit hindi niya magawa dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Dagdag dito, tinaguriang pinakabagong International Master si Bagamasmad dahil sa mga tagumpay nito sa chess at bilang kinatawan ng ating bansa.

Sa ngayon, hinahangad ni Bagamasbad ang titulong Grandmaster at umaasa rin siyang maipapasa niya ang kanyang kakayahan sa larangan ng chess sa kanyang mga apo. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)