Kinalampag ng ilang kongresista ang Department of Education (DepEd) na punuan ang libu-libong bakanteng plantilla position sa kagawaran.
Sa pagdinig ng House committee on appropriations sa P605 billion proposed 2021 budget ng DepEd, sinabi ni Usec. Jesse Mateo na 65,000 plantilla positions ang available sa kagawaran.
Sa ngayon, sinabi ni Mateo na 988,567 plantilla positions ng DepEd, kung saan 55,807 dito ang bakante.
Sa susunod na taon, humingi sila ng karagdagang pondo para sa hiring ng 10,000 personnel para mapanatili ang pupil-teacher ratio.
Sinabi rin ni Mateo na hinihintay pa nila ang pinal na bersyon ng guidelins para sa probisyon para sa paggawad ng subsidiya sa mga estudyante at displaced teachers sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 2.