Nilagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kontrata para sa pagbili ng Department of National Defense (DND) ng 32 karagdagang Sikorsky S70i Blackhawk utility helicopters sa PZL Mielic ng Poland.
Bukod sa mga bagong helicopter, kasama sa $624 million na kontrata ang integrated logistics support at training package para sa mga piloto at maintenance crew.
Unang nakumpleto ng PZL Mielic noong nakaraang taon ang pag-deliver ng 16 na Blackhawk na unang binili ng DND.
Umaasa si Lorenzana na masisimulan sa lalong madaling panahon ang pag-deliver sa panibagong-order na Blackhawk helicopters.
Sinabi ng kalihim na nasisiyahan ang Philippine Air Force sa kapabilidad ng Blackhawk choppers.
Kasama ni Lorenzana sa signing ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon si Janusz Zakrecki, ang pangulo ng PZL Mielec.