-- Advertisements --

Aabot sa 61 pasyenteng naka-confine sa tatlong ospital ang pumayag na uminom ng virgin coconut oil kasabay ng pinagdadaanan nilang gamutan sa COVID-19.

Sinabi ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, co-chairman ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19, matapos na mamahagi ang pamahalaan ng virgin coconut oil kahapon, Abril 14, 2021.

Ipinamahagi nila virgin coconut oil sa mga ospital sa Metro Manila bilang supplement ng mga pasyenteng mayroong mild na kaso ng COVID-19.

Samantala, sinabi naman ni Secretary Fortunato dela Pena na patuloy naman ang clinical trial ng Department of Science and Technology sa paggamit ng VCO bilang adjunct treatment sa COVID-19.