-- Advertisements --
download 2 1

Lumagda ang Pilipinas at European Union (EU) ng 60 million euro financing agreement para sa Green Economy Program.

Ito ay may katumbas na P360,363,000.00.

Isinagawa ang paglagda sa naturang kasunduan nitong Miyerkules sa Global Gateway Forum sa Brussels.

Kung saan si Finance Secretary Benjamin Diokno ang kumatawa sa Pilipinas at lumagda sa kasunduan kasama si European Commissioner for International Partnerships Jutta Urpelainen.

Ayon kay Sec. Diokno, ang suportang pinansiyal na ito mula sa EU ay makakatulong sa Pilipinas para maabot ang Nationally Determined Contribution commitment nito para mabawasan at matigil ang greehouse gas emissions ng 75% pagsapit ng taong 2030 gayundin para mapahupa ang epekto ng climate change.

Sa pamamagitan din ng naturang halaga, magbebenipisyo ang bansa mula sa iba’t ibang hakbangin sa pagpapababa ng produksiyon ng mga basura at plastik, pagkakaroon ng renewable energy at pagpapahusay ng energy efficiency.

Target din ng EU na magkaroon ng free trade agreement sa PH na makakapaglikha ng oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.