Nag-angkat ang pamahalaan ng 600,000 vials ng bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban, gumagawa ang gobyerno ng mga hakbang laban sa ASF sa nakalipas na taon gaya ng pagbabawal ng importasyon, depopulation ng mga apektadong baboy at pagbibigay ng compensation sa mga apektadong magsasaka.
Subalit para makapagbigay ng mas mainam na intervention, sinabi ni Panganiban na nag-angkat ang pamahalaan ng libu-libong vials ng ASf vaccines ngayong taon na kasalukuyang sumasailalim sa pagsusuri.
Kapag mapatunayang epektibo ang bakuna, magaangkat ang pamahalaan ng 6 million vials na ipapamahagi sa buong bansa.
Ang isla ng Mindanao ang huling makakatanggap ng mga bakunang ito dahil sa kakaunti lamang ang mga lugar na apektado ng ASF.
Sa kasalukuyan, ang mga bakuna kontra ASF ay ginagamit pa lamang para sa Luzon.