Nasa 60% na ng forest fire sa kabundukan ng Itogon, Benguet ang naapula na ng 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force.
Ito ay sa kabila ng naranasang operational limitations ng mga rescuers na tulad ng mga pagsubok na dala ng matarik na kabundukan at malakas na hangin.
Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, nagsagawa ang mga tauhan ng PAF ng helibucket operations gamit ang Huey helicopter sa loob ng 30 hectares ng kagubatan.
Kaugnay nito ay patuloy din na nakikipagtulungan ang Tactical Operations Group 1 sa ilalim ng Tatical Operations Wing Northern Luzon ng PAF sa Bureau of Fire Protection – Itogon para sa puspusang pag-aapula sa forest fire hanggang sa maabot ang 90% containment ng sunog bago ito ideklarang under control.
Kung maaalala, unang sumiklab ang naturang forest fire noong Enero 26, 2024 sa 50 ektarya ng naturang lugar na nakaapekto naman sa Dalupurip at Tinongdan.
Upang mapigilang mas lumawak pa ang apoy ay agad na nagdeploy ang PAF ng dalawang Huey helicopters noong Enero 27, 2024.