-- Advertisements --

Nasa anim na sibilyan ang nasawi at 17 iba pa ang sugatan sa naganap na pambobomba at pamamaril ng mga Taliban force sa border nila ng Pakistan.

Kinondina ng Pakistan military ang ginawang atake ng Taliban sa Chaman.

Gumanti ang mga sundalo ng Pakistan kung saan isang sundalo ng Afghan ang napatay.

Ayon kay Pakistan’s Prime Minister Shehbaz Sharif na ang ginawa ng Afghanistan ay nararapat na kondinahin.

Nagbunsod ang kaguluhan ng patigilin ng Pakistan ang mga Afghan forces na itigil ang pagtatayo ng checkpost sa panig ng kanilang border.

Mula pa kasi noong 2017 ay nagtatayo na ang Pakistan ng pader sa kanilang border na kinokontra naman ng mga Taliban.