-- Advertisements --

Nakatakda nang ipadala sa Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist ng mga Supreme Court (SC) justice aspirants na nag-apply kasunod nang nalalapit na pagreretiro ni Justice Jose Reyes Jr.

Nasa anim na justice aspirants ang napili ng mga mahistrado sa isinagawang en banc session kahapon.

Kabilang dito sina Court of Appeals (CA) Justice Joseph Lopez na mayroong 10 boto; CA Justice Filomena Singh, 9; CA Justice Japar Dimaampao, 8; Court Administrator Jose Midas Marquez, 7 at sina CA Justice Nina Valenzuela at CA Justice Ricky Rosario na parehong may tig-anim na boto.

Ang naturang listahan ng SC ay kaagad naman ipapadala sa JBC upang maging batayan nito sa kanilang pamimili o voting na gaganapin sa September 14, 2020 dalawang araw bago ang mandatory retirement ni Justice Reyes Jr.

At ang sino mang mapasama sa shortlist ng JBC ay kaagad na ipapadala sa MalacaƱang upang siya namang pagpipilian ng pangulong Rodrigo Duterte.

Base naman sa itinatadhana ng batas ay mayroong 90 araw ito simula nang mabakante ang posisyon sa Korte Suprema upang makapagtalaga ng bagong mahistrado.