-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Dead on the spot ang pitong police officer at retired police sa malagim na aksidente sa kahabaan ng Poblaccion, Naawan, Misamis Oriental bandang 9:25 kaninang umaga.

Sa panayam ng BOMBO RADYO CDO kay Police Major Joanne Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, kinilala nito ang mga namatay na sila Police Staff Sgt. Micheal Erman; Riowan Marjun; Eugene Lagcao; Arnel Manoop; Aaron Besigar; Jibilou Cañeda; PSMS Eric Generalao at si retired police Anito Abapo, ang driver sa Toyota High Ace Van.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bumangga ang dalawang high ace van na sinakyan nga mga pulis nang mag overtake ito sa isang winged van.

Tumilapon ang winged van sa gilid ng kalsada nang pumutok ang gulong nito at nabangga ang isa pang van na-inarkila ng mga pulis.

Sinabi si Major Navaro na nanggaling pa schooling ang mga biktima sa Regional Training Center ng PNP sa Brgy. Patay, sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Base sa records ng PRO-10, nagmula pa sa Lanao del Norte Police Provincial Office at Misamis Occidental Provincial Police Office ang mga nasawi at sugatan.

Ina-alam pa ng pulisya ang totoong sanhi ng insidente

Sa ngayon, umabot pa sa 20 ang sugatang pulis, kung saan pito na ang na-discharged.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Police Brig. Gen. Lawrence Coop sa mga pamilya ng nasawi.