-- Advertisements --

Nasa limang bata at isang babae ang nasawi sa Kunar province ng Afghanistan matapos ang rocket attack ng Pakistan.

Mula kasi ng makontrol ng Taliban ang Afghanistan noong nakaraang taon ay tumaas ang tensiyon sa mga kalapit na bansa nila.

Itinanggi ng Pakistan ang rocket attack at itinuro nila na kagagawan umano ito ng mga militant group sa sa Afghanistan.

Nagkaroon din ng parehas na atake ng mga Pakistan sa Khost province ng Afghanistan.

Ipinatawag na ng Afghan foreign ministry ang Pakistani ambassador sa Kabul para pagprotesta sa atake.