-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos ang naganap na pamamaril sa Chiapas, Mexico.

Nangyari ang insidente sa isang political campaign kung saan mayroong dalawang iba pa ang sugatan.

Base sa inisyal na imbestigasyon na nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng mga armadong sibilyan sa kampanya na dinaluhan ng mga kandidato para sa pagka-municipal presidency sa La Concordia at Chiapas Popular Party na si Lucero Lopez Maza.

Hindi naman malinaw kung kasama si Maza sa mga nabaril at dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Tumaas ang kaso ng political violence sa bansa ilang linggo bago ang tinaguriang pinakamalaking halalan sa kasaysayan ng bansa sa Hunyo 2.