-- Advertisements --
Patay ang nasa 6 na katao matapos ang pagtama ng missile ng Russia sa postal terminal sa Kharkiv region ng Ukraine.
Ayon kay Kharkiv region prosecutors’ office spokesperson Dmytro Chubenko, na pinalipad ng Russian forces ang dalawang missiles mula sa Belgorod region malapit sa border nila ng Ukraine.
Tumama umano ito sa gusali na pag-aari ng logistic company na matatagpuan sa Kharkiv region.
Dinala naman sa pagamutan ang nasa 16 na iba pa na nasugatan dahil sa insidente.
Tiniyak naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mabibigyan ng hustisya ang ginawa na ito na Russia.