-- Advertisements --

Patay ang anim na katao habang sugatan ang 11 iba sa naganap na pagsabog sa isang high school at educational center sa western Kabul, Afghanistan.

Sinabi ni Kabul police chief spokesman Khalid Zadran na tinamaan ng tatlong pagsabog ang Abdul Rahim Shaheed High School.

Tinamaan din ng pagsabog ang pasilidad ng Mumtaz Educational Centre.

Sinasabing target ng nasabing pagsabog ang minority group na Shia Hazara community.

Mariing kinondina ng United Nations Assistance Mission in Afghanistan (UNAMA) ang nasabing pagsabog.