-- Advertisements --

Nadadagdagan pa ang mga iniiwang patay ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa lalawigan ng Davao de Oro na dulot ng walang humpay na mga pag-ulan sa lugar dala ng masamang lagay ng panahon.

Sa ulat, sa ngayon ay umakyat na sa anim na indibidwal ang patay habang isa naman ang kasalukuyan pa ring pinaghahahanap ng mga otoridad.

Mula noong Linggo, aabot na sa 23 mga landslide ang naitala ng mga kinauukulan sa kabundukang ng munisipalidad ng Maragusan kung saan tatlo na ang namatay matapos na matabunan ng lupa.

Isang lalaki rin ang nasawi sa New Bataan nang dahil pa rin landslide, habang isang babae naman binawian din ng buhay matapos na tangayin ng rumaragasang mataas na tubig baha, at may isa ring lalaki ang nakuryente naman sa laban ng kaniyang binabahang bahay.

Samantala hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan para sa mga biktima ng naturang kalamidad.