-- Advertisements --

Patay ang anim na katao sa naganap na drone attack sa pinakamalaking US military base sa Syria.

Ayon sa Syrian Democratic Forces (SDF) na ang mga nasawi ay pawang kaalyadong Kurdish-led fighters.

Naganap ang insidente sa commado academy sa al-Omar oil field sa Deir al-Zour province.

Inako ng Iran-backed militia umbrella group ang nasabing atake.

Ito na ang ikalawang insidente mula ng isagawa ng US ang strikes laban sa Iran-backed group sa Iraq at Syria.