-- Advertisements --

Pinangangambahang mararanasan ngayong araw ng Sabado ang pinakamataas o “dangerous” heat index sa anim na lugar sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling heat index forecast ng state weather bureau ay inaasahang papalo ng hanggang 43 degrees celsius ang heat index na mararamdamdan sa Catarman, Northern Samar, Aborlan, Palawan.

Habang nasa 42 degrees celsius naman na heat index ang tinatayang mararamdamdan sa San Jose, Occidental Mindoro; Puerto Princesa, Palawan; Masbate City, Masbate; at Dumangas, Iloilo.

Paliwanag ng mga eksperto ang heat index ay ang measure ng kontribusyon ng high humidity na nagdudulot ng abnormal na pagtaas ng temperature ng nararamdaman ng katawan ng isang tao.