
Nasa anim pang lugar sa bansa ang mayroong aktibong kaso ng African swine fever (ASF) ayon sa Bureau of Animal industry (BAI).
Ayon kay Dr. Samuel Joseph Castro, national deputy coordinator ng National ASF Prevention and Control program, ang mga rehiyon na may mga aktibong kaso ng highly contagious at deadly viral disease ay sa region I, III, IV-A, VI, VIII, at region XII.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng opisyal ang pagpapaigting pa ng biosecurity para siguradong hindi makapasok ang birus papunta sa mga babuyan.
Ayon naman kay supervising science research specialist ng Bureau of Animal industry na mayroong bahagyang kakulangan sa suplay ng baboy sa ngayon.
Sa data mula sa Department of Agriculture (DA) noong October 20, 2022, base sa hogs supply outlook , magkakaroon ng bahagyang kakulangan sa suplay ng karneng baboy ngayong huling quarter ng taon.
Sa kasalukuyan kasi, mayroong 95% sufficiency level ng suplay ng baboy na mas mababa naman kumapara noong ikatlong quarter na nasa 121%.
Para matugunan ang demand sa karne ng baboy lalo na ngayong nalalapit na holiday season ay pinaigting pa ang mga proyekto ng ahensiya gaya ng repopulation ng mga baboy.










