-- Advertisements --
LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Lt. Nelson Pantonia, Asst. Chief ng Laoag International Airport Station, na anim sa mga kapwa na pulis niya ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Pantonia, 29 personnel ang sumailalim sa swab test, kung saan anim rito ang nagpositibo sa respiratory diseas.
Sa anim na kawani, dalawa ang residente ng lungsod ng Laoag; isa sa bayan ng Paoay; at ang tatlong iba pa ay mula sa probinsya ng Ilocos Sur at Abra.
Ang mga nag-negatibo naman sa swab test ay kinailangan pang isailalim sa isolation.
Samantala, inilahad ni Ronald Estavillo, ang manager ng Laoag International Airport, na sakabila ng sitwasyon ay mananatiling bukas ang opisina ng airport upang mabigyan ng serbisyo ang mga pasahero.