-- Advertisements --

Arestado ang anim na katao dahil sa tangkang paghahasik ng kaguluhan sa London Stock Exchange.

Ayon sa Metropolitan Police, pinaniniwalaang mga miyembro ng Palestine Action group na ang target ay mga negosyo.

Plano aniya nila na magdulot ng damyos para pigilan ang pagbubukas ng gusali sa pagsisimula ng trading.

Naganap ang pag-aresto sa London, Liverpool at Brighton.

Inihahanda na ng mga otoridad ang nasabing kaso laban sa mga naarestong suspek.