Ipinag-utos ng Philippine National Police Police (PNP) ang pagpapasara ng anim pang e-sabong o online cockfighting websites na nananatiling operational sa kabila ng direjktiba ng Pangulong Duterte na pagpapahinto ng operasyo ng e-sabong.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, nagrequest na ang PNP cybercrime units para sa pagpapasara ng naturang e-sabong sites at nagsasagawa na rin ng case build up.
Samantala, aminado ang PNP na pahirapan para sa kanila ang pagpapasara sa mga nagsulputang online sabong websites.
Ito’y dahil hindi pa nila kilala ang operator ng mga ito.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na base sa pagtataya ng Anti-Cyberctime Group, posibleng abutin ng dalawang linggo ang pagsasara sa mga e-sabong website.
Sa kasalukuyan aniya ay nagsasagawa na sila ng case build up at nakikipag-ugayan sa mga service provider para sa pagtukoy sa mga nasa likod ng sabungan.
Pagtutuunan umano nila ng pansin ang social media activities ng mga ito dahil nandito ang tayaan at wala sa aktwal na betting sites.
Samantala, dahil sa muling paglutang ng e-sabong, sinabi ni Fajardo na muli silang magsasagawa ng inspeksyon sa gadget ng mga pulis na naka-duty sa istasyon para matiyak na wala silang mga tauhan na malululong sa sugal.