ILOILO CITY- Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang anim na mga doctor sa St. Paul’s Hospital of Iloilo Incorporated.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, nakigpag-ugyanan na siya sa pamunuan ng nasabing ospital kasama ang Regional Inter-agency Task Force upang mapabilis ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing mga doktor.
Sa inilabas naman na pahayag ng ospital, tiniyak nila na nasunod ang mga protocol upang maiwasan na mahawa ng virus.
Samantala, sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Francisco Paguia, hepe ng Iloilo City Police Station 1, sinabi nito na kaagad silang nagdeploy nga mga pulis sa nasabing ospital matapos na ni-lockdown.
Napag-alaman na umaabot na sa 274 ang naitalang kaso ng Covid-19 sa Western Visayas matapos madagdagan ng 26 ngayong araw kung saan 6 sa mga ito ang doktor.