-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tuloy tuloy ang ginagawang focus military operation ng 5th Infantry Division Philippine Army upang matugis ang nalalabing mga miyembro ng CPP NPA sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Captain Rigor Pamittan, DPAO chief ng 5th ID, sinabi niya na sa ngayon ay nanatiling payapa ang kanilang nasasakupan at nakatutok ang militar sa pagtugis sa nalalabing miyembro ng CPP-NPA kasabay ng pagkakabuwag ng East at west front committee.

Sa kasalukuyan ay nasa 50 hangang 60 na miyembro na lamang ng komunistang grupo ang kanilang pinaghahanap at hinihintay na magbalik loob sa pamaalaan .

Samantala, abala din ngayon ang pamunuan ng 5th ID na nakikipag ugnayan sa PNP para sa pagbibigay ng seguridad sa mga pook libingan para sa payapa at tahimik na paggunita ng Undas.