CEBU CITY – Natagpuang patay ang isang lalaki matapos umanong na-heatstroke habang hinihintay ang kanyang ayuda mula sa gobyerno sa Brgy. Lawaan, sa bayan ng Dumanjug, Cebu.
Sa gitna ng mainit na panahon, pumila sa barangay hall ang biktimang si Lolito Ferrer, 59-anyos upang makuha ang tulong sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno.
Ayon kay Police Master Sergeant Nelson Mendaros ng Dumanjug Police Station, umuwi muna si Ferrer sa kanyang bahay upang mananghalian dahil hindi pa natawagan ang kanyang pangalan.
Sumugod agad ang mga responders nang mabalitaang nawalan ng malay ang lalaki sa gitna ng kapatagan ngunit namatay naman ito kinalaunan matapos dalhin sa pagamutan.
Payo ngayon ng mga pulis sa pumila sa SAP program na magdala ng panangga sa init o hindi kaya magdala ng kasama upang manatiling ligtas.










