Iniulat ngayon ng Department of Health ay nakapagtala ng 5,676 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw sa bansa.
Dahil dito ang kabuuang kaso na nahawa sa virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay nasa 1,496,328 na.
Ang mga aktibong kaso naman at nagpapagaling pa ay nasa 48,480.
Pero merong tatlong mga laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos.
Samantala mayroon namang naitalang 2,670 na bagong gumaling.
Sa kabuuan ang mga nakrekober sa Pilipinas ay nasa 1,421,372 na o katumbas yan sa 95.0%.
Sa kabila nito meron namang panibagong namatay sa Pilipinas na umaabot sa 162 bunsod pa rin ng deadly virus.
Ang death toll ngayon sa Pilipinas ay nasa 26,476 na.
“13 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 are recoveries. Moreover, 28 cases previously tagged as recoveries have been validated to be active cases and 116 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH statement. “All labs were operational on July 14, 2021 while 3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 3 non-reporting labs contribute, on average, 2.4% of samples tested and 0.9% of positive individuals.”