Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,na mayruong dagdag na 56 Filipinos ang muling nakatawid sa Gaza.
Ito ay bukod sa 42 pang iba na una ng naka-alis.
Ikinalugod ng Pangulo ang magandang balita na may dagdag na mga Pilipino ang ligtas na nakatawid sa Gaza, kasunod ng nagpapatuloy na Israel-Hamas conflict.
Ayon sa Pangulo sa ngayon nasa 98 na ang kabuuang Pilipino ang lumisan sa conflict areas at patungo na ang mga ito sa Cairo.Kung maalala nasa 137 Pilipino ang naitalang naninirahan sa Gaza.
Iniulat din ng Pangulo na nasa 34 Pilipino ang nakasakay na ng eroplano patungong Qatar at nakatakdang dumating ngayong araw bandang alas-4:30 ng hapon.
Panalangin ng chief executive ang kanilang kaligtasan sa kanilang biyahe.
Siniguro ng Presidente na mabibigyan ng sapat at kaukulang tulong ang mga Pilipinong lumikas mula sa Gaza hanggat makabalik ang mga ito sa bansa.