-- Advertisements --
promoted pnp officers

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government ang kumpirmasyon ng promosyon sa mas mataas na ranggo ng nasa 54 na mga opisyal ng Philippine National Police.

Inanunsyo ito mismo ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. kasama si Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa ginanap na press briefing sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Kabilang sa mga na-promote ay sina Area Police Command – Southern Luzon Chief Rhoderick Armamento bilang Police Lieutenant General o 3 star General, NCRPO chief Jonnel Estomo bilang Police Major General o 2 star General, at Eastern Police District Director Wilson Asueta bilang Police Brigidier General o 1 star General.

Promoted sa ranggong major general ang walong mga brigadier general na kinabibilangan naman ni PNP director for plans Bernard Banac.

Habang nasa 21 colonel naman ang na-promote sa brigadier general kabilang na si PNP Headquarters Support Service Mark Pespes, at nasa 24 lieutenant colonels naman ang promoted bilang colonel.

Samantala, kaugnay nito ay mahigpit namang tinagubilinan ni Sec. Abalos ang mga bagong promote na kapulisan na pagbutihin ang kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin at gayundin sa pagtulong sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Habang nagpaabot naman ng pasasalamat si PNP chief Azurin kay Abalos na siya ring chairman ng National Police Commission para sa promosyon ng mga police officers sa bansa.