-- Advertisements --

Magdedeploy ang Department of Transportation ng karadagang 52 bus units simula ngayong araw para ma-offset ang tigil operasyon ng LRT-1 ngayong Holy week at paghahanda para sa pagbubukas ng 5 bagong istasyon ngayong taon.

Ayon sa DOTr, nasa 4 na bus units mula sa MMDA ang idedeploy sa mg ruta mula EDSA-Taft patungong Monumento at vice-versa at 50 bus units mula sa LTFRB bilang karagdagan sa regular daily buses sa nasabing mga ruta mula alas-4 ng umaga onwards sa Marso 28.

Mayroong pickup at drop off points ang nasabing bus units sa may Taft avenue partikular sa Edsa-Taft, Gil Puyat, Doroteo Jose, Carriedo, at Monumento.

Ang naturang hakbang ay para matiyak ang patuloy na access ng mga mananakay sa mga pampublikong transportasyon bilang parte ng Oplan Biyaheng Ayos ng pmahalaan.

Samantala, magbabalik naman ang normal na operasyon ng LRT-1 system sa araw ng Lunes, Abril 1.