-- Advertisements --
Dumating na sa Pilipinas ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa Beijing China.
Lulan ito ng Philippine Airlines (PAL) flight no. PR359 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-5:00 ng hapon kanina.
Bandang alas-7:00 ng umaga rin sa parehong araw nang umalis ang eroplano ng PAL sa NAIA Terminal 2 upang magtungo sa Beijing.
Sinalubong ito nina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Health Secretary Francisco T. Duque, Vaccine czar Carlito G. Galvez Jr., at Testing czar Vince Dizon.
Ang 500,000 doses ng bakuna na dinevelop ng Sinovac Biotech Ltd., ay binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa China.