-- Advertisements --

Pursigido si Manila City Mayor Isko Moreno na isulong na mabawasan ang excise tax ng mga produktong petrolyo ng nasa 50 porsiyento, lalo na ngayong tuloy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng langis.

Ayon sa naturang presidential candidate, kapag maibaba ang excise tax sa langis ay bababa rin ang cost ng food production, lalo na sa bigas, maitataas ang income ng mga magsasaka at mangignisda, at maibaba ang presyo ng mga basic commodities at masu-sustain ang food production.

Bukod dito, para matiyak ang kita naman ng mga magsasaka, sinabi ni Moreno na kapag siya ang manalo sa halalan ay bibilhin niya ang surplus produce ng mga magsasaka sa tamang presyo, at maglalabas din siya ng malinaw na guidelines hinggil sa striktong importation ng agricultural products para matiyak na maibebenta muna ng mga magsasaka ang kanilang ani bago pa man mag-angkat.

Nangako rin siya na hahabulin ang mga smugglers ng mga agricultural products para maprotektahan ang interest ng mga local producers, tulad ng mga hog at chicken raisers, at rice at vegetable farmers sa buong bansa.

Marapat lang din aniya na magkaroon ng additional support ang agricuture sector tulad ng pagbibigay ng risk-free capitals sa mga magsasaka at mangingisda; pagtayo ng mas marami pang irrigation systems habang inaayos ang efficiency ng mga naitayo na; establishment ng cold storage facilities sa buong bansa at mga major production areas; at pagtatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources.

Mababatid na sa taas ng presyo ng mga  produktong petrolyo sa ngayon, nakatakdang maglabas ang pamahalaan ng mga ayuda sa iba’t ibang sektor para pagaainin kahit paano ang pasanin ng mga ito.