LEGAZPI CITY – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang nasa 50 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Masbate.
Kabilang sa mga sumuko ang limang regular member ng Communist NPA Terrorist (CNTs); isa mula sa Kilusang Rebulosyonaryo sa Barangay (KRB); 10 sa Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL); at 34 naman ang sa Milisya ng Bayan (MB).
Mga pangakong napako sa kanilang samahan at iba pang mga dahilan ang nag udyok sa mga dating rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon sa mga otoridad, malinaw na indikasyon ito nang pagkamulat ng mga nagbabalik-loob sa gobierno na hindi tama ang mga isinusulong ng komunistang NPA.
Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integrated Program o ECLIP, ang mga rebel returnees ay mabibigyan ng tulong pinansyal at livelihood programs bilang panimula sa kanilang pagbabagong buhay.










