-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP-IAS Inspector General Atty Alfegar Triambulo na sa buwan lamang ng Pebrero ay may 50 kaso ang naresolba ng PNP Internal Affairs Service (IAS).

Sinabi ni Triambulo na karamihan sa 50 kaso na kanilang na resolved ay dismissal from service o sibak sa serbisyo ang kanilang naging rekomendasyon sa mga sangkot na police personnel.

Dagdag pa ni Triambulo na ang mga nasabing resolution ay halos pirmado na ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa.

Tumanggi namang sabihin ni Triambulo kung kasama dito ang ibinabang resolution sa kaso naman sa grupo SSupt. Marvin Marcos na umanoy sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Samantala, pirma na lang ng PNP chief ang hinihintay sa desisyon sa kaso ng mga pulis na nakapatay kay Mayor Espinosa upang maipataw na ang kaparusahan.

Ito ay sa sa pangunguna ni PSupt Marvin Marcis at 18 iba mula sa PNP Region 8 o Eastern Visayas.

Ayon kay PNP-IAS Deputy Inspector General PDir. Leo Angelo Leuterio, isinumite na nila ang kanilang Resolution sa office of the chief PNP.

Sinabi ni Leuterio na ang pinakamagbigat na parusa na maaring ipataw ay kasong grave misconduct ito ay dismissal sa serbisyo.

Sa oras na lagdaan ni Dela Rosa ay executory na ang desisyon kahit pa maaring maghain ng apela ang mga kinasuhang mga pulis.