Binatikos ng ilang kongresista ang nakaambang paglobo ng bayad sa mga transaksyon ng automated teller machines (ATM) ng mga bangko sa 50-percent.
Ito’y matapos na maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng memorandum noong July 19 na nagtatanggal sa moratorium ng dagdag singil sa ATM fees.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangang maipabatid sa mga bangko na ang perang wini-withdraw ng kanilang customers ay pag-aari ng mga ito at pinahiram lang sa kanilang pag-iingat yaman.
Dahilan din umano kaya nagbabayad ng interes ang customers.
“Offhand, we see no justification for banks to impose ATM charges in excess of the P10 to P15 that they are currently collecting per single interbank withdrawal transaction, considering that depositors are merely taking money that they lent to the bank,” ani Pimentel.
Kung maipapatupad ang gusto ng mga bangko na 50-percent charge sa bawat transaction, ang dating P10 hanggang P15 na single interbank withdrawal transaction ay aakyat na sa P15 hanggang P30.
Ani Pimental, ang dating “convenience fees” na binabayaran ng mga depositors ay hindi malabong maging “annoying fees” sa oras na taasan na ito.
Hiwalay pa ang sinasabing increase mula sa P300 hanggang P500 na monthly charge na pinababayaran sa mga accounts na bigong makaabot sa P10,000 hanggang P25,000 na minumum monthly average daily balance.
“What we know is that all sorts of ‘fee income’ now constitute a big chunk of the core earnings of banks, apart from net interest income and trading gains,” dagdag pa ni Pimentel said.
Samantala, ihahain muli nina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite ang House Bill 2105 na naglalayong magtakda ng standard rate sa transaction fees at charges sa mga automated teller machines (ATMs).