50 KABAHAYAN NAWASAK DAHIL SA TIDAL SURGE SA GENSAN
GENERAL SNATOS CITY – Nawasak ang 50 na kabahayan dahil umano sa tidal surge na nangyari sa baybayin ng Barangay Dadiangas South, General Santos City.
Nasa 50 na mga pamilya ang naapektohan habang tatlong bahay ang totally damaged at apat napo’t pito naman ang partially damaged.
Ayon kay Dr. Bong Dacera ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na full moon umano ang sanhi ng abnormalidad ng hightide na umabot sa humigit-kumulang 1.5 meters ang taas ng alon kung ikumpara sa normal na lebel nito.
Aniya, walang naiulat na nasawi sa mga apektadong pamilya o nagtamo ng malaking sugat sa kanilang katawan.
Kaagad namang nagsagawa ng preemtive evacuation para sa mga apektadong pamilya na ngayon ay temporaryong sumilong sa Senior Citizens Hall at nabigyan na rin ng relief goods.
Napag-alaman na ang mga apektadong pamilya ay kabilang sa programa ng LGU-Gensan na bibigyan ng relocation ngunit patuloy pa rin itong tinutugunan sa ngayon.