CEBU – Patay ang limang pinaniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nila ng 47th Infantry Batallion sa Sitio Langob, Barangay Cabacnitan, Bilar, Bohol, bandang alas 5:30 kaninang madaling araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay 47th Infantry Battalion Civil Military Operations Officer, Army Lt. Grace Remonde, inihayag nito na nagpapatrolya lang ang tropa ng gobyerno kaugnay sa naunang report na may mga armadong grupo sa lugar.
Ayon kay Remonde, isa sa mga tropa ng militar ang sugatan habang lima sa mga kalaban ang nasawi at anim ang patuloy na hinahanap.
Narekober ng mga sundalo ang ilang kagamitan kabilang ang mga baril mula sa mga rebelde at ipinasakamay sa mga otridad sa Bilar.
Samantala, inasikaso na ng pamahalaan ng Bilar ang nasa mahigit 40 residente na naapektuhan ng bakbakan. (photo from Deejay Andre page)