-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang 5 taong gulang na bata, matapos malunod sa isang resort sa bayan ng Bugallon, lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pmaj Ramsey Ganaban, Chief of Police ng Bugallon Police Station, nangyari ang insidente sa isang resort sa barangay Polong sa naturang bayan.

Sa isinagawang imbistigasyon ng pulisya, ang pamilya ng biktima ay mula pa sa bayan ng Labrador at nagpunta sa nasabing resort upang mag-swimming.

Lumalabas sa imbestigasyon na kasama nito ang kaniyang kuya at mga kamag-anak nito sa kiddie pool ngunit bandang tanghali ay nakita na ito ng kaniyang tiyuhin na si Rich Ramos na palutang-lutang sa adult pool na tinatayng nasa 5ft ang lalim.

Agad namang rumisponde ang Bugallon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa nasabing resort at dinala ang biktima sa pinakamalapit na hospital ngunit idineklra na itong dead on arrival.

Samantala, maaring maharap ang naturang resort sa Civil case o Criminal Case, at maari ring mabawi ang kanilang permit.

Paalala naman ni Ganaban na kung may maitalang drowning incident, ay dalhin agad ito sa hospital nang sa gayon ay maagapan at huwag nang antayin pa ang mga ambulansya kung malayo pa ang panggagalingan nito.