-- Advertisements --

npd1

Iniharap kay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang walong naarestong indibidwal kabilang ang limang suspeks sa pagpatay sa isang negosyante sa Caloocan City na pawang mga miyembro ng gun-for-hire group.

Naaresto noong Sabado ang 5 suspek ng Caloocan police sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon sa Barangay 176 na itinuturong nasa likod sa pagpatay noong Biyernes sa negosyanteng si Eugene Borlaza.

Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng mga baril at bala kasama ang motorsiklong ginamit umano sa krimen.

Sa panayam kay Gen. Eleazar kaniyang sinabi na love triangle ang isa sa mga sinisilip na motibo sa krimen.

Mahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms ang mga suspek.

NPD

Kinilala ni Eleazar ang mga nahuling suspek na sina Alezander Fernandez, Randy Vicente, Jandrex Paguyanan at Dexter Cariliman.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang Caloocan PNP kaugnay sa kinaroroonan ng isa sa mga suspek na si Jandrex na naging dahilan sa pag aresto pa sa mga kasamahan nito sa krimen.

npd3

Nakakulong na ngayon sa Caloocan Police Station ang mga suspek.

Sa kabilang dako, iniulat pa ni BGen. Rolando Anduyan kay Gen. Eleazar ang pagkaka aresto pa sa tatlong suspek na sangkot sa pamamaril sa Bagumbong, Caloocan.