Nagdulot ng galit sa mga mamamayan ng Barcelona ang naging desisyon ng korte na palayaan ang limang suspek sa ginawang gang-rape laban sa isang 14-anyos na dalaga.

Base sa naging desisyon ng korte, napawalang sala ang mga naturang suspek sa kasong sexual abuse dahil wala umanong malay ang dalaga at hindi rin gumamit ng dahas ang mga ito.

Pinatawan ng 10-12 taon pagkakakulong ang mga suspek. Maaari naman silang makulong ng 15-20 taon kung hindi sila pinalawa.

Sa mga nagdaang taon, ilang bansa sa Europa ang binago ang kanilang batas sa kung papaano ipapaliwanag ang rape bilang sex without consent.

“I am not a judge and I do not know how many years in prison they deserve, what I do know is that it is not abuse, it is rape!” saad ni Barcelona’s Mayor Ada Colau.