Limang miyembro umano ng New People’s Army (NPA) at isang pulis ang napatay sa engkwentro sa Bilar, Bohol nitong araw ng Biyernes ng umaga, ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Army.
Sinabi ni Army public affairs office chief Colonel Louie Dema-ala sa mga mamamahayag na isa sa mga nasawi sa panig ng mga rebelde ay isang lider na kinilalang si alyas Ompoc.
Ayon naman kay PNP PIO Acing Chief Col. Jean Fajardo, base sa kanilang inisya na impormasyon, isisilbi lang sana ang warrant of arrest nang mauwi ito sa engkwentro.
Isa pang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nasugatan sa bakbakan. Nagsimula ang sagupaan bandang 6:45 a.m ngayong araw.
Tatlong high-powered at dalawang low-powered firearms naman ang narekober mula sa lugar na engkwentro. (With reports from Bombo Everly Rico)